TULONG NUTRISYON AT PANG-KALINISAN, IPINAMAHAGI NG PHO SA OMPH

5 August 2025 | News by PIO

Namahagi ng mahahalagang health commodities sa mga pasyente at tagapag-alaga ng Oriental Mindoro Provincial Hospital ang grupo ng Provincial Health Office (PHO) bilang bahagi ng programang “Tulong Nutrisyon at Pang-Kalinisan para sa Mamamayan.”

Kabilang sa mga ipinamahagi ang bitamina para sa mga bata at matatanda, hygiene kits para sa mga bantay ng pasyente, at nutripack para sa mga batang naka-admit sa Mangyan Ward ng ospital.

Ang isinagawang distribusyon ay bahagi ng tuloy-tuloy na inisyatiba ng PHO upang mapanatili ang isang malusog, malinis, at ligtas na komunidad, sa pagtutok hindi lamang sa mga pasyente kundi maging sa kanilang mga tagapag-alaga na may mahalagang papel sa proseso ng paggaling.

Patuloy naman ang panawagan ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga mamamayan na makiisa sa mga programang pangkalusugan at panatilihin ang malusog na pamumuhay bilang bahagi ng pag-unlad ng buong lalawigan.

via PHO Oriental Mindoro

I-click ang link ng orihinal na balita: https://www.facebook.com/share/p/1JrTUTsSPR