Higit 4,400 Kabahayan sa Naujan Nalubog sa Baha

News by PISD – July 24, 2025

24 Hulyo 2025, Naujan – Umabot sa 4,493 kabahayan ang naapektuhan ng pagbaha sa bayan ng Naujan ayon sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDDRMO) ng naturang bayan, alas-2 ng hapon, Hulyo 24.

Kabilang sa mga matinding naapektuhang barangay ay ang barangay Pinagsabangan I (615 HH), Santiago (531 HH), Nag-iba 2 (446 HH), Evangelista (444 HH), Malvar (385 fam), Barcenaga (379 HH), San Carlos (271 HH), at Buhangin (228 HH).

Apektado rin ang mga barangay ng Aurora (214), Motoderazo (170), Adrialuna (165), Gamao (136), Tigkan (128), A. Ylagan (106), Pinahan (64), Sta. Maria (35), Bagong Buhay (37), Gen. Esco (37), Apitong (30), Mulawin (17), Arangin (14), San Nicolas (11), Paniquian (7), at Metolza (3).

Samantala, patuloy ang monitoring, assessment, at pagbibigay ng tulong ng lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente habang nananatiling nakataas ang alerto sa posibleng paglala ng lagay ng panahon.

source: https://www.facebook.com/photo?fbid=1158200569676189&set=a.223668556462733