News by PISD – July 23, 2025

Patuloy ang mahigpit na koordinasyon ng Health Emergency Response Team ng Provincial Health Office (PHO) sa mga Municipal Health Offices at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices (MDRRMOs) para sa regular na monitoring sa kalagayan ng mga evacuees na apektado ng malalakas na ulang dala ng magkasamang habagat at mga Bagyong Dante at Emong.
Kabilang sa binabantayan ng mga awtoridad ang posibleng pagtaas ng kaso ng mga sakit gaya ng leptospirosis, diarrhea, at dengue na maaaring lumaganap dahil sa pagbaha at maruming kapaligiran.
Nagpaalala rin ang PHO sa publiko na panatilihin ang kalinisan, uminom ng malinis at ligtas na tubig, at agad na magpatingin sa pinakamalapit na health center sakaling makaranas ng anumang sintomas ng karamdaman.
Pangunahing layunin ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamamagitan ng PHO na maitiyak ang kaligtasan at kalusugan ng bawat MindoreƱo lalo na sa panahon ng mga kalamidad.