π€π‹π€πŒπˆπ: Mga paglabag at mahalagang paalala hinggil sa pagpapatupad ng EO 22, s. 2025.

News by PIO – July 22, 2025

Pansamantalang papayagan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ang limitadong pagpasok ng mga breeder pigs at processed semen sa lalawigan, batay sa Executive Order (EO) No. 22, series of 2025.

“An executive order allowing the entry of breeder pigs and processed semen into Oriental Mindoro and for other purposes”, na nilagdaan ni Gobernador Bonz Dolor ngayong araw, Hulyo 18.

Kaakibat ng kautusang ito ng Gobernador ang layuning muling buhayin ang lokal na industriya ng pagbababuyan sa lalawigan na labis na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) matapos maitala ang unang kaso nito sa Dangay, Roxas noong Oktubre 9, 2023 na matatandaang kalauna’y mabilis na kumalat sa iba’t-ibang bahagi ng Oriental Mindoro na nagresulta ng malaking pinsala sa kabuhayan ng maraming hog raisers.

Kung kaya bibigyang pagkakataon ang muling pagbuhay sa swine industry sa pamamagitan ng repopulation recovery nito ngunit papayagan lamang ang pagpasok ng breeder pigs at processed semen kung ito ay nagmula sa mga ASF-free facilities at alinsunod sa mga umiiral na alituntunin ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Animal and Industry (BAI) kung saan binibigyang diin na tanging mga rehistrado at akreditadong commercial farms, semi-commercial farms, at mga organisasyon o kooperatiba lamang ang maaaring tumanggap ng mga ito.

Ang kongkretong hakbang na ito ay bahagi ng istratehiya ng Pamahalaang Panlalawigan upang matulungan na matiyak ang sapat na supply ng baboy sa merkado sa kabila ng patuloy na banta ng ASF at tugon na rin sa hinaing ng mamamayan sa hog industry.

Kaakibat naman nito ang kakailanganing pagsusumite ng letter-request sa Provincial Veterinary Office (PVO) na may endorsement mula sa kanilang Municipal Agriculturist o City Veterinarian. Kalakip din ang mga dokumentong naglalaman ng mga sumusunod na detalye: bilang ng mga baboy, pinanggalingang farm, iskedyul ng biyahe, at quarantine clearance.

Kabilang sa mga itinatakdang kondisyon ang pagkakaroon ng Biosecurity Level 1 sa mga farm na tatanggap at ang pagkakaroon ng mga pasilidad para sa kalinisan at kaligtasan ng mga hayop.

Samantala, ang processed semen ay dapat manggaling sa BAI-accredited artificial insemination centers at dapat maipadala sa tamang temperatura na malinaw na naka-label. Ang transportasyon ng mga ito ay marapat na sang-ayon sa mga regulasyon ng DA at National Veterinary Quarantine Services (NVQS).

Ipinagbabawal naman ang β€œboar for hire” system o ang pagpapagamit ng barako sa iba’t-ibang farm dahil sa panganib ng ASF transmission. Kaakibat nito ang paghikayat sa mga barangay at magsasaka na i-report sa kanilang mga munisipalidad ang sinumang lalabag dito.

Nakasaad din sa kautusan ang mandatory registration ng mga babuyan sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA), Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) at sa kanilang Municipal Agriculture Office (MAO). Gayundin, ang mga byahero o livestock handler at ahente na bumibili o nagbebenta ng baboy ay dapat nakarehistro rin sa kani-kanilang lokal na pamahalaan at sa PVO.

Hindi naman papayagang makapasok sa lalawigan ang breeder pigs at processed semen na walang kumpletong dokumento gaya ng CFS-ASF, animal inspection certificate, veterinary health certificate, at shipping permit. Mananatili ring bawal ang pagpasok ng karneng baboy at mga produkto nito maliban kung may valid FDA registration.

Ang sinumang magpapasok ng breeder pigs o processed semen na walang kumpletong dokumento gaya ng mga nabanggit ay maaaring harangin at hindi payagang makapasok sa lalawigan.

Epektibo ang kautusan simula ngayong araw, Hulyo 18 sa paglagda ng Ama ng Lalawigan at mananatili hanggang sa ito ay opisyal na bawiin o palitan ng ehekutibong sangay ng Pamahalaang Panlalawigan.

source: https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=1155746716588241&id=100064587706800&mibextid=wwXIfr&rdid=8qTx4nGsArfppnHa#