News by PPESO – July 8, 2025

Ito ang layunin ng JobStart Philippines Program na programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na umarangkada na kahapon, July 7 hanggang July 18, 2025.
Natuloy at naisaktuparan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pangunguna ng ating butihing Gobernador Bonz Dolor ang programang ito sa pamamagitan ng opisina ng Provincial PESO.
Ang ating 85 trainees ay mula sa bayan ng Mansalay hanggang Puerto Galera. Sila ay mabibigyan ng 10-day Soft/Core Skills Training na kung saan mas mahuhulma ang kakayahan, mas lalalim ang kaalaman, at mas mabibigyan ng magandang opportunidad bilang mga kabataan.
Mabuhay! MaHal TaNa Mindoreños!
source: https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=1294435572685160&id=100063561892136&mibextid=wwXIfr&rdid=y86CUw12lwh5SCaL#