5 August 2025 | News byย PIO

Tatlumpung pulis mula sa Oriental Mindoro Provincial Police Office (OrMin-PPO) ang nakatakdang magtapos sa tatlong-araw na Basic Riding Safety Seminar na isinagawa sa Oriental Mindoro Motorcycle Riding Academy (OMMRA) sa Brgy. Sapul, Lungsod ng Calapan.
Ang naturang aktibidad ay nakatuon sa paglinang ng mga kasanayan sa kontrol, disiplina, at tamang maniobra sa motorsiklo upang maayos na makatugon sa ibaโt-ibang sitwasyon sa kalsada. Itinuro dito ang basic circling, figure of 8, zigzagging, emergency braking, slalom course, mounting and dismounting, at defensive driving with traffic rules orientation.
Ayon kay PCol Christian V. Dela Cruz, Regional Chief ng Highway Patrol Group (HPG), ang mga kasanayang ito ay direktang sumusuporta sa “5-minute response time”, isang pambansang panuntunan ng Pambansang Pulisya na layuning tiyaking makareresponde agad ang mga pulis sa loob lamang ng limang minuto mula sa oras ng tawag.
โMalaki ang naitulong ng naitayong riding academy sa lalawigan. Hindi lang ito pisikal na pasilidad kundi katuwang sa paghuhubog ng isang disiplinado at handang pwersa ng kapulisan,โ pahayag ni PCol. Dela Cruz. โLubos kaming nagpapasalamat sa Provincial Government of Oriental Mindoro sa inisyatibang ito na umaayon din sa direktiba ng PNP.โ
Samantala, ipinahayag naman ni Patrolman Christopher D. Familaran mula sa bayan ng Victoria ang kanyang pasasalamat at pagkilala sa kahalagahan ng pagsasanay. Aniya, bukod sa praktikal na kasanayan sa pagmamaneho, naunawaan nila ang mas malawak na pananagutan bilang unang rumesponde sa mga insidente sa komunidad.
โMalaki ang naitulong ng HPG at riding academy na ito hindi lamang sa skills kundi sa mindset namin bilang mga alagad ng batas. Marami talagang mga bagong kaalaman kaming natutunan, dati marunong lang talaga akong mag-drive, ngayon maraming bagong kaalaman talagaโ ani, Familaran.
Ang OMMRA ay proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa ilalim ng pamumuno ni Governor Humerlito “Bonz’ Dolor, na layong gawing mas ligtas, mas disiplinado, at mas epektibo ang transportasyon at serbisyong pangkalsada sa lalawigan. Ang akademya ay bukas hindi lamang para sa mga miyembro ng motorcycle groups kundi maging sa mga ahensyang nangangailangan ng training para sa kaligtasan sa daan.
Ang naturang inisyatiba ay orihinal na idinisenyo alay para sa sektor ng mga riders sa lalawigan at bahagi rin ng mas malawak na kampanya ng Pamahalaang Panlalawigan na bigyang-lakas ang mga frontline responders at pag-ibayuhin ang serbisyo para sa kaligtasan at kapakanan ng mamamayan lalo na sa mga nasa lansangan.