6 August 2025 | News byย PIO

Sumailalim sa pagsasanay ang may 28 Para-Teacher mula sa ibaโt ibang bayan sa lalawigan sa ilalim ng Zero Illiteracy and Innumeracy Program (ZIIP) for Indigenous People sa ginanap na Para -Teachers Orientation and Module Briefing noong Agosto 4-5, sa South Drive Resort, Bulalacao.
Ang programang ito ay isa sa mga isinusulong ng pamunuan ni Governor Humerlito “Bonz” A. Dolor upang mapataas ang antas ng pagkatuto ng mga katutubong Mangyan sa lalawigan. Kasama ito sa hangarin ng Gobernador na sa taong 2028, inaasahang wala ng katutubong Mangyan na hindi marunong sumulat, magbasa at magkwenta.
Pasasalamat naman ang ipinaabot ni Fe Diguma, isa sa mga nagtapos sa pagsasanay, dahil sa malaking benepisyong matatanggap ng kaniyang kapwa katutubo mula sa naturang programa. โBilang isang guro, nais kung maibahagi sa kapwa ko katutubo ang aking mga natutunan upang matulungan sila na bumasa, sumulat at magkwenta,โ ang pahayag pa ni Diguma.
Nagpaabot din ng kaniyang suporta sa gawain si Indigenous People Mandatory Representative (IPMR) Bokal Lagtum Pasag.
Ang gawain ay pinangasiwaan ng ZIIP Technical Working Group (TWG) sa pangunguna ni ZIIP Manager Meth Jimenez, katuwang ang Provincial Public Employment Service Office (PPESO).