Pinangunahan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor ang pamamahagi ng insentibo sa mahigit 150 pangunahing mamamayan sa Barangay Marfrancisco

31 July 2025 | News by PIO

Pinangunahan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor ang pamamahagi ng insentibo sa mahigit 150 pangunahing mamamayan sa Barangay Marfrancisco, bayan ng Pinamalayan sa ilalim ng Financial Incentive Program for Qualified Senior Citizens ng Pamahalaang Panlalawigan.

Layunin ng programang ito na kilalanin at pahalagahan ang malaking kontribusyon ng ating senior citizens sa pag-unlad ng lalawigan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pinansyal na insentibo.

“Mapalad po tayo sa Oriental Mindoro sapagka’t tayo ay isa lamang sa iilang lugar sa buong bansa na may ganitong insentibo,” ani Governor Bonz.

Abangan ang iba pang detalye.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02qn38KxLDwCyZFobbbeoBMHDdEHyjrNbCpTxbb9KSiPoqjVhcLNqhpvNZErwTdW3Ll?rdid=hQdD23LT8Fq3Px1s#