31 July 2025 | News by PIO

Welcome, Dr. Dante
Thank you, Dr. Mariñas
Pagbati sa bagong Chief of Hospital ng Oriental Mindoro Central District Hospital (OMCDH), Dr. Dante Nuestro.
Maraming salamat at pagbati rin sa dating OIC at ngayon ay bagong Provincial Health Office I, Dra. Maria Consuelo Mariñas.
Higit sa pagpapalit ng liderato, ang araw na ito ay simbolo ng progreso. Dalawang magaling na Doktor ang patuloy na maglilingkod sa mas marami pang Mindoreño. Ilan sa ating tagubilin:
1.) Bawal ang nakasimangot
2.) Panatilihin ang kalinisan
3.) Pakinggan ang kailangan ng mga pasyente
4.) Maglingkod ng tapat kahit walang nakatingin.