31 July 2025 | News by PIO

Isinagawa ang blood chemistry testing at urinalysis bilang bahagi ng programang pangkalusugan para sa mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pangunguna ni Gob. Bonz Dolor sa pamamagitan ng Provincial Human Resource Management Office.
Tinitiyak ng PGOM na bukod sa pagbibigay ng serbisyo publiko, binibigyang-halaga rin ang kalusugan at kapakanan ng mga empleyado upang mas mapaunlad ang kalidad ng kanilang trabaho para sa publiko at kapwa Mindoreño.
Ang aktibidad na ito ay bukas para sa lahat ng empleyado ng PGOM tuwing ikalawa at huling Huwebes ng bawat buwan.