31 July 2025 | News byΒ PIO

31, Hulyo 2025, Calapan City – Ipinatutupad ng Department of Trade and Industry – Oriental Mindoro ang Price Freeze sa lahat ng mga pangunahing bilihin ng mamamayang MindoreΓ±o matapos ideklara ang State of Calamity sa buong lalawigan noong ika-25 ng Hulyo 2025 dahil sa matinding pagbaha bunsod ng magkakasunod na bagyo at habagat.
Ito ay alinsunod sa Seksyon 6 ng Batas Republika Bilang 7581 o mas kilala bilang βPrice Actβ na nagtatakda ng pag-freeze o pagkontrol sa anumang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ng mga konsyumer. Isa ito sa mabisang hakbang na ginagawa ng DTI sa panahon ng kalamidad at krisis upang maiwasan ang pananamantala sa panahon ng matinding pangangailangan ng mga mamamayan at mapanatili ang makatarungang presyo ng mga bilihin.
Ilan sa mga naka-price freeze na kasama sa listahan ng DTI ay ang tinapay, tubig na nasa bote, de-lata, kape, noodles, sabon, gatas at asin.
Samantala, ipatutupad ito sa loob ng 60 araw simula noong nagdeklara ang lalawigan ng State of Calamity.
Para sa kumpletong listahan ng mga pangunahing pangangailangan na naka-price freeze sa bawat bayan at lungsod, I-click lamang ang link na ito:
Baco https://drive.google.com/…/1bKcgp3s8CjoVzjCDyEI…/view…
Bansud https://drive.google.com/…/1VwjHVgX3CSqZ1xNy1I0…/view…
Bongabong https://drive.google.com/…/1TZ0QfYBb6RHARAW59iH…/view…
Bulalacao https://drive.google.com/…/1PnjQY3yDTILgivKrxbF…/view…
Calapan City https://drive.google.com/…/15AhKHgXJWuoagAuWOFR…/view…
Gloria https://drive.google.com/…/1uLQsmwDyUoVIb2UTIl2…/view…
Mansalay https://drive.google.com/…/1gcv2bxNo…/view…
Naujan https://drive.google.com/…/1nFh0ri7hFDT8buJxoI…/view…
Pinamalayan https://drive.google.com/…/1XHrelM4fAjkOWBahEyr…/view…
Pola https://drive.google.com/…/1Sarj1…/view…
Puerto Galera https://drive.google.com/…/1ZHwrUxM9…/view…
Roxas https://drive.google.com/…/1DVV6IoK4jsWtSZHcTXg…/view…
San Teodoro https://drive.google.com/…/1IicFsz9vwGo1wSjeifH…/view…
Victoria https://drive.google.com/…/1pxzQNC9L2…/view…
Socorro https://drive.google.com/…/1juP8nbM7u1ZOoi1xJXL…/view…