29 July 2025 | News by PISD

Bilang bahagi ng Oil Spill Incident Rehabilitation and Recovery Program ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor, namahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng 1,000 free range na sisiw at 200 sako ng feeds sa mga mangingisda mula sa mga bayan ng Pinamalayan, Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay, at Bulalacao na ginanap sa Bulwagang Panlalawigan ng Kapitolyo, ngayong araw, Hulyo 29.
Layunin ng programang ito na bigyan ng alternatibo at sustenableng kabuhayan ang mga mangingisdang naapektuhan ng nagdaang oil spill.
Ayon kay OIC-Provincial Veterinarian Dr. Alfredo P. Manglicmot, ito ay hakbang tungo sa tuluy-tuloy na pagbangon ng sektor ng pangisdaan sa lalawigan.
Nakiisa rin sa aktibidad ang DA MIMAROPA, sa pangunguna ni APCO for Oriental Mindoro Engr. Maria Teresa B. Carrido, bilang suporta sa adhikain ng lokal na pamahalaan.
Pinangunahan naman ni Dr. Anna Rochelle A. Boongaling, ProVet Animal and Production Division Chief, ang pamamahagi ng mga sisiw at feeds, kasama ang pagbibigay ng oryentasyon sa mga benepisyaryo ng programa.
Isang malaking hakbang tungo sa mas matatag na kinabukasan para sa ating mga mangingisda!