27 July 2025 | News by PISD

Patuloy ang pagkilos ng PGOM para sa mamamayan. Ngayong Hulyo 27, muling ipinaramdam ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamamagitan ng Provincial Health Office, Provincial Social Welfare and Development Office at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang malasakit nito sa mga naapektuhan ng kalamidad sa Barangay Poblacion, Puerto Galera.
Kabilang sa isinagawa ang information campaign ng PHO kontra leptospirosis at pamamahagi ng gamot kontra rito. Samantalang pinamahalaan ng PSWDO ang pagkakaloob ng relief goods sa may 500 pamilyang tinukoy ng MSWDO ng Puerto Galera na lubhang naapektuhan ng nakaraang pagbaha.
Ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng PGOM sa ilalim ng administrasyon ni Governor Bonz Dolor na agapayan ang bawat Oriental MindoreƱo lalo na sa panahon ng mga kalamidad.