25 July 2025 | News by PISD

Umabot na sa โฑ285,142,601.89 ang tinatayang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ng Oriental Mindoro dulot ng magkakasunod na bagyong #CrisingPH, #DantePH, #EmongPH at habagat.
Ito ay ayon sa datos mula sa Provincial Agriculturistโs Office (PAgO) ngayong Hulyo 25.
Pinakamalaking bahagi ng tinamong pinsala ng lalawigan ay mula sa mga produktong agrikultural. Umabot na sa โฑ218.5M ang nasirang ani at pananim na direktang nakaapekto sa 5,999 magsasaka.
Samantala, hindi rin nakaligtas ang mga magsasakang ang ikinabubuhay ay ang paghahayupan. Tinatayang nasa โฑ886,200.00 na ang kabuuang halaga ng mga nawala at namatay na alagang hayop ng 51 magsasaka.
Malaki rin ang naging epekto sa sektor ng aquaculture, kung saan โฑ61.6 milyon ang tinatayang lugi ng 217 na mangingisda.
Bukod dito, umabot na sa 59 na yunit ng mga makinarya at iba pang gamit pang-agrikultura ng 33 magsasaka ang nasira. Ito ay may kabuuang halagang โฑ318,500.00. Nawalan din ng mga gamit ang 550 na mangingisda na nagkakahalagang โฑ1.2M.
Patuloy naman ang isinasagawang monitoring at balidasyon ng PAgO, katuwang ang Department of Agriculture – Agricultural Program Coordinating Office (DA-APCO) upang maitiyak na mabibigyan ng kaukulang tulong ang mga apektadong magsasaka at mangingisda ng lalawigan.