PABATID SA PUBLIKO

News by PIO – July 24, 2025

Dahil sa patuloy na nararanasang sama ng panahon at pagbaha sa ilang mga bayan sa lalawigan, bukas, Hulyo 25, kanselado ang klase ng lahat ng antas ng paaralan (simula elementarya hanggang kolehiyo).

Ang mga kawani naman ng Pamahalaang Panlalawigan ay sasailalim sa work-from-home set-up maliban na lamang ang mga opisinang nagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa mamamayan.

Nakadepende naman sa Local Chief Executive ng bawat Local Government Unit ang pagkakansela ng kanilang pasok para bukas.

Gayundin, ang mga National Government Agencies at pribadong institusyon ay nakadepende sa anunsyo ng kani-kanilang hepe o employers.

source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0c74QuFhp5Ujm8M1Xbay8ENUe65gbMTZHrKGbWFevuHPdm6HxHfqwcm1G1e5dCaQxl?rdid=JAguUQQv3E41TAbV#