News by PISD – July 23, 2025 7:30PM

Nananatiling hindi passable sa light vehicles ang bahagi ng Strong Republic Nautical Highway sa Barangay Bucayao dahil sa pag-apaw ng tubig sa Bucayao River bunsod ng epekto ng habagat na pinalalakas ng bagyong Dante.
Nakaalalay naman ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pangunguna ng PNP, DPWH, CDRRMO, PGOM, sa pagtatawid ng mga stranded na pasahero gamit ang malalaking sasakyan.
Samantala, dumating na sa Kapitolyo ang nasa 200 sako ng bigas at canned goods na ire-repack din ngayong gabi na pinangungunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) katuwang ang iba pang tanggapan sa Kapitolyo at volunteers upang ipamahagi sa mga naapektuhan ng pagbaha.
Tuluy-tuloy din ang monitoring activities ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), kaagapay ang MDRRMOs sa sitwasyon sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.
Ibayong pag-iingat ang paalala sa lahat ng mamamayan.
source: https://www.facebook.com/share/p/19LVZo9puR/?mibextid=wwXIfr