News by PISD – July 23, 2025

Pinangunahan ni PDRRM Officer Vinscent B. Gahol ang pagpupulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) upang talakayin ang kasalukuyang lagay ng panahon at ang mga paghahandang kailangang isagawa bilang bahagi ng pagsiguro sa kahandaan ng lalawigan sa paparating na bagyong #DantePH, alinsunod sa direktiba ni Gobernador Humerlito βBonzβ Dolor bilang PDRRMC Chairperson.
Ayon sa ulat ng PAGASA, inaasahang makakaranas ng patuloy na pag-ulan sa Oriental Mindoro mula ngayong araw hanggang Biyernes, Hulyo 25 dulot ng bagyong #DantePH. Dahil dito, isa sa mga pangunahing hakbang ng PDRRMC ay ang agarang activation ng Emergency Operation Center (EOC) upang mas mabilis na makatugon sa anumang insidente sa ibaβt ibang bayan.
Hinihikayat naman ni PDRRM Officer Gahol na magsagawa ng pre-emptive evacuation ang mga residenteng madalas bahain para sa kanilang kaligtasan habang malayo pa ang bagyo.
Samantala, ayon sa naging ulat ni PDRRMO Planning Officer Mannylyn A. Guevarra, tatlong barangay na sa Calapan City ang may naiulat na lumikas: anim (6) na pamilya sa Barangay Gutad, isang (1) pamilya sa Barangay Camansihan at walong ( pamilya naman sa Barangay Bucayao (as of 10:00 am).
Patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga Municipal DRRMO at CDRRMO, at barangay officials ang naging direktiba ni PDRRM Officer Gahol upang masiguro ang maayos na koordinasyon sa pagpapatupad ng mga disaster response measures. Nakahanda na rin aniya, ang mga kinakailangang kagamitan para sa rescue at relief operation.
Sa kabila ng bantang dala ng bagyo, patuloy na nananawagan ang PDRRMC sa publiko na maging alerto, makinig sa opisyal na anunsyo at makipagtulungan sa lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.
source: https://www.facebook.com/share/p/1Eir4sh69R/?mibextid=wwXIfr