News by PISD – July 22, 2025

Bukod sa iba’t-ibang makabuluhang aktibidad, itinampok din sa selebrasyon ng 51st Nutrition Month sa Oriental Mindoro ang pagkilala sa mga miyembro ng komite na nagsulong ng community gardening bilang bahagi ng kampanya para sa produksyon ng masustansyang pagkain.
Isinagawa ang Cooking Contest ng masustansyang putaheng gawa sa mga produktong ani mula sa community garden ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan.
Nag-kampeyon ang Socorro sa kanilang malikhaing putaheng “Surprise Veggies Imbutido” Tumanggap sila ng P18,000 cash prize, plaque of recognition, at mga garden tools bilang premyo. Nakamit naman ng Calapan City ang 1st place sa kanilang kakaibang bersyon ng “Kare-kare with Monggo Bigas & Sesame Seeds” na tumanggap ng P15,000, plaque, at garden tools. Samantalang nakuha ng bayan ng Gloria ang 2nd place sa kanilang inihandang “Siomai Love for You,” na tumanggap naman ng P10,000, plaque, at garden tools. Ang pito pang LGUs na sumali rin ay binigyan ng P5,000 participation incentive bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap at suporta sa adbokasiya ng masustansyang pamumuhay at sustainable agriculture.
Ang patimpalak ay bahagi ng pagpapalaganap ng urban at community gardening, na layuning hikayatin ang mga pamayanan na magtanim ng sariling pagkain, magtaguyod ng food security, at isulong ang malusog na pamumuhay.
source: https://www.facebook.com/share/p/16hKkurux5/?mibextid=wwXIfr