News by GO – July 22, 2025

Para sa mas detalyadong impormasyon patungkol sa suspensyon ng pasok bukas, July 23, 2025, minabuti nating sumulat ng isang Executive Order.
1.) Walang pasok ang lahat ng pribado at pampublikong paaralan mula elementarya hanggang kolehiyo.
2.) Walang pasok ang mga Tanggapan ng Pamahalaan maliban sa mga nangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng mamamayan.
3.) Ang lahat ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office ay tuloy ang operasyon.
4.) Ang mga pribadong kompanya ay diskresyon ng sariling pamunuan.
Ingat po tayo mga Kababayan!