Ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Oriental Mindoro ay patuloy na sinusubaybayan ang galaw at paglakas ng Tropical Storm “CRISING”

News by PDRRMO – July 19, 2025

TROPICAL STORM “CRISING”

July 19, 2025 | 5:00 AM

Ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Oriental Mindoro ay patuloy na sinusubaybayan ang galaw at paglakas ng Tropical Storm “CRISING” batay sa pinakahuling abiso mula sa DOST-PAGASA.

Patuloy na mino-monitor ng ating Operations Center ang tinatahak na direksyon ng bagyo at ang posibleng epekto nito sa lalawigan, lalo na sa mga lugar na binabaha at landslide-prone. Tuloy-tuloy ang ugnayan sa mga lokal na DRRM officers at emergency responders upang matiyak ang kahandaan at agarang pagtugon.

Hinihikayat namin ang publiko na maging alerto, makinig lamang sa mga opisyal na anunsyo, at ihanda ang mga emergency kits bilang bahagi ng kahandaan sa sakuna.

Abangan ang mga regular na update mula sa aming tanggapan at mga Weather Bulletin ng PAGASA.

📞 Para sa mga emergency concerns, makipag-ugnayan sa:

📱 Operations and Warning Division

+(63) 948 146 0382

+(63) 920 951 3690

source: https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=760547819654047&id=100070965074504&mibextid=wwXIfr&rdid=KpPbIJWCrBu1DA6G#