News by PROVET – July 15, 2025

Patuloy ang kampanya ng 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨, sa pamamagitan ng 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐕𝐞𝐭𝐞𝐫𝐢𝐧𝐚𝐫𝐲 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 katuwang ang 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐌𝐀𝐠𝐎) 𝐨𝐟 𝐒𝐨𝐜𝐨𝐫𝐫𝐨, sa pagbibigay ng proteksyon sa mga alagang aso’t pusa kontra sa Rabies.
Ginanap noong 𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨 𝟕-𝟏𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟓 ang malawakang pagbabakuna ng aso’t pusa kontra Rabies sa iba’t-ibang barangay ng Socorro.
Sa kabuuan, nagtala ng 3,409 na aso at 1,158 na pusa ang nabakunahan. Kaugnay nito, hinihikayat ng ProVet na maging responsableng pet owners at iparehistro at regular na pabakunahan ang kanilang mga alaga.