News by PIO – July 16, 2025

Pinangunahan ni Board Member Atty. Roland Ruga ang pagpapawalang-bisa sa Provincial Ordinance No. 145-22, na may titulong “An Ordinance Regulating the Extraction, Removal and Disposition of Boulder-Sized Volcanic Rock Float Deposits (Armour Rocks) Within the Territorial Jurisdiction of the Province of Oriental Mindoro, and For Other Purposes”, sa isinagawang regular na sesyon ng 12th Sangguniang Panlalawigan (SP) noong Hulyo 14 sa Batasang Panlalawigan.
Sa kaniyang privilege speech, ipinaliwanag ni Bokal Ruga ang mga dahilan sa likod ng kanyang panukala na ipawalang-bisa ang naturang ordinansa.
Aniya, βKahit po may mga safeguards, kahit po tatlo lamang ang limitasyon batay sa Ordinansa, kahit walang extraction na naganap hanggang ngayon, alam ko po sa sarili ko na maaaring gamitin balang araw ang ordinansang ito bilang pahintulot ng mga taong walang intensyon kundi ang pagsamantalahan ang ating kalikasan. Hindi ko po ito mababantayan kapag wala na ako sa panunungkulan. Habang may puwang ang batas, may panganib na itoβy gamitin hindi sa orihinal nitong layunin kundi para sa pansariling interes.β
Dagdag pa niya, βI stand here not to erase the past but help realign it with the present. May this repeal be seen as wisdom and responsibilityβfor the land we love, for the people we serve, and for the future we hope to build together.β
Matatandaang ipinasa ng 11th SP ang nasabing ordinansa sa layuning tugunan ang kahilingan ng League of Municipalities of the Philippines, Oriental Mindoro Chapter upang maiwasan ang rock slide, magamit ng maayos ang mga lupang agrikultural na may armour rock, at tumulong sa mga proyektong pang-imprastruktura.
Samantala, buo ang naging suporta ng mga miyembro ng 12th SP sa pagpapawalang-bisa ng nasabing ordinansa sa pangunguna ni Vice Governor at SP Presiding Officer Atty. Antonio S. Perez.