News by PIO – July 18, 2025

Muling pinatunayan ng isang kabataang MindoreΓ±o ang galing at husay matapos manguna sa 2024 National Police Commission (NAPOLCOM) Entrance Examination.
Si Keane Justine R. AΓ±onuevo ay tubong Bacungan, Naujan, Oriental Mindoro at mag-aaral mula sa Mindoro State University-Calapan City Campus ang nakakuha ng may pinakamataas na marka sa buong bansa na may average rating na 90.39%. Mula sa 46,243 na kumuha ng NAPOLCOM Entrance Exam, siya ang itinanghal bilang Topnotcher sa naturang pagsusulit.
Bago pa man ang tagumpay na ito, mapalad din siyang nakapasa sa Licensure Examination for Criminologists nitong Marso 2025.
Ang kanyang tagumpay ay hindi lamang personal na tagumpay, kundi isang inspirasyon ng mga kabataang MindoreΓ±o lalong higit sa mga katulad niyang nagnanais na maging bahagi ng pambansang kapulisan.
Dahil dito, buong pagmamalaking kinikilala ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ni Gobernador Humerlito βBonzβ Dolor, ang kanyang dedikasyon, kasipagan at natatanging tagumpay.