News by PDRRMO – July 17, 2025

Bagama’n hindi direktang maapektuhan ng Bagyong Crising ang lalawigan ng Oriental Mindoro, may banta pa din ng pag-ulan ngayong araw hanggang sa araw ng byernes bunsod ng pinalakas na Habagat, nananatiling nakamonitor ang PDRRMO Oriental Mindoro sa mga posibleng epekto nito.
Patuloy din ang pagmomonitor sa iba’t-ibang weather agencies upang makapagbigay ng real-time updates sa kalagayan ng panahon sa ating lalawigan. Bukas din 24/7 ang linya ng komunikasyon ng lahat ng MDRRMO upang magbigay ng updates at tumugon sa mga tawag ng emergency.
Inihain din ng Operations and Warning Division ang Preparedness Measures o mga hakbanging paghahanda ng opisina sa Office of Civil Defense MIMAROPA ngayong araw. Kasunod nito ang pisikal na paghahanda ng opisina ng mga water rescue tools and equipment upang tiyakin na madaling makakaresponde ang Pamahalaang Panlalawigan sa anumang tawag.
PDRRMO Oriental Mindoro Hotlines:
Operations and Warning Division
+(63) 948 146 0382
+(63) 920 951 3690
Research and Planning | Administration and Training Division
+(63) 916 220 1847