National Disaster Resilience Month Celebration 2025-kick off Ceremony, pinangunahan ng PDRRMO

News by PDRRMO – July 8, 2025

Opisyal na po nating sinimulan ang pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) 2025 — isang makabuluhang selebrasyon na patuloy na sinusuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ni Governor Bonz Dolor, bilang pagkilala sa layunin nitong palakasin ang kahandaan, kaligtasan, at katatagan ng bawat Mindoreño sa harap ng mga hamon ng kalikasan at sakuna.

Pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang pagbubukas ng selebrasyon sa pamamagitan ng isang Banal na Misa ng Pasasalamat na idinaos sa St. Benedict Chaplaincy, kasama si Fr. Jim H. Ruga, Chaplain Priest, bilang pagkilala sa biyayang ligtas at maayos nating naisasakatuparan ang ating tungkulin sa paglilingkod.

Sinundan ito ng isang makulay at masiglang Motorcade na umikot sa mga pangunahing kalsada ng Lungsod ng Calapan, bilang bahagi ng kampanya upang higit pang mapalaganap ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pagiging laging handa sa panahon ng sakuna.

Isinagawa rin ngayong araw sa Oriental Mindoro Sectoral Complex-Activity Area ang mga sumusunod na aktibidad:

✅Radio Operator Seminar – Para sa piling DRRM personnel na nagnanais palalimin ang kaalaman sa emergency communications

✅Mobile Blood Donation Drive – Para sa mga bayani nating kusang loob na nagbigay ng dugo upang makapagsalba ng buhay

✅Rescue Equipment Exhibit – Pagpapakita ng mga makabagong kagamitan ng ating responders bilang bahagi ng paghahanda sa mga emerhensiya

Ang lahat ng ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan — isang pagpapakita ng bayanihan at pagkakaisa, tungo sa mas ligtas, matatag, at may malasakit na lalawigan.

Nagpapasalamat din ang Pamahalaang Panlalawigan sa lahat ng miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Council na dumalo at nakiisa sa nasabing aktibidad. Ang inyong presensya ay patunay ng ating matibay na kooperasyon at kolektibong layunin na itaguyod ang isang mas ligtas at mas matatag na Oriental Mindoro.

Sama-sama tayong kikilos. Sama-sama tayong magiging matatag.

Resilient Mindoreños, para sa mas ligtas na kinabukasan!

source: https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=2983896351780291&id=100004798651244&mibextid=wwXIfr&rdid=3zJzliyQy4JtUFPD#