HN Organic Farm sa Bongabong, binisita ng PCDO
Beekeeping - panibagong kabuhayan para sa mga kooperatiba

News by PCDO – July 8, 2025

๐—ฃ๐—–๐——๐—ข Nagpupugay sa ๐—›๐—ก ๐—ข๐—ฟ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฐ ๐—™๐—ฎ๐—ฟ๐—บ; Pagtutok sa ๐‘ฉ๐’†๐’†๐’Œ๐’†๐’†๐’‘๐’Š๐’๐’ˆ bilang Panibagong Kabuhayan para sa mga Kooperatiba.

Malitbog, ๐—•๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด โ€“ Nagsagawa ng site visit ang Provincial Cooperative Development Office (PCDO) ng Oriental Mindoro noong Hulyo 8, 2025 sa HN Organic Farm na matatagpuan sa Malitbog, Bongabong. Pinangunahan ito ni Provincial Cooperative Development Officer Orlando B. Tizon kasama sina Romeo L. Paner at Leocris Manaig personal na bisitahin at alamin ang matagumpay na operasyon ng honey bee culture ng nasabing farm.

Ang HN Organic Farm ay pag-aari ni Gng. Ramona โ€œNethโ€ Pastor, isang dating OFW na matagumpay na nagbalik-probinsiya upang itaguyod ang organikong pagsasaka at paggawa ng pulot mula sa katutubong bubuyog. Sa kanilang pagbisita, nasaksihan ng PCDO ang makabagong pamamaraan ng beekeeping gamit ang mga indigenous stingless bees at lokal na ginawang mga pugad mula sa bao ng niyog at kawayan.

Ayon kay G. Tizon, โ€œNapakalaki ng potensyal ng beekeeping bilang kabuhayan sa Oriental Mindoro. Bukod sa mababang puhunan, mataas ang kita, at maaari itong gawin kahit sa maliliit na sakahan. Ang modelo ni Gng. Pastor ay patunay na kayang maitaguyod ito ng mga kooperatiba at mga organisasyong pangkabuhayan sa ating lalawigan.โ€

Sa panayam, buong puso namang tinanggap ni Gng. Pastor ang imbitasyon ng PCDO na maging resource person sa isasagawang Techno Forum on Honey Bee Keeping na layuning palaganapin ang kaalaman at teknolohiya sa paggawa ng pulot at pag-aalaga ng bubuyog.

Ang nasabing forum ay bahagi ng inisyatiba ng PCDO upang makalikha ng alternatibong kabuhayan para sa mga kooperatiba at sektor ng agrikultura. Layunin nitong hikayatin ang mga samahan sa lalawigan na pasukin ang bee-based enterprises bilang dagdag na kita at ambag sa kalikasan.

Ang HN Organic Farm ay kinikilala rin bilang isang modelo ng integrated organic farming na may kasamang crop production, vermiculture, at value-adding sa mga produkto tulad ng pulot at beeswax. Sa pamamagitan ng pagsasanib ng makabago at tradisyunal na kaalaman, nagiging huwaran ito sa sustainable agriculture at rural enterprise development. Abangan ang mga anunsyo mula sa PCDO para sa iskedyul ng Techno Forum at kung paano makakasali ang inyong kooperatiba o samahan sa panibagong oportunidad na ito.

source: https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=1153866970113505&id=100064706374979&mibextid=wwXIfr&rdid=ATwNiglNKBQz4vxp#