Fiesta MaHalTa Na! Oriental Mindoro 69th Founding Anniversary Celebration

Makisaya…
FIESTA MAHALTA NA!

Sa darating na Nobyembre 11-15, 2019, ipagdiriwang ng Oriental Mindoro ang ika-69 na taong pagkakatatag ng lalawigan. Simula ngayong taon, ang pagdiriwang ng Founding Anniversary ay tatawaging Fiesta MAHALTA NA! bilang pagkilala sa mga yaman ng lalawigan: MAngyan, HALcon, TAmaraw at NAujan Lake.

Sa taong ito, naghanda ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Bonz Dolor at Vice Governor CA Jojo Perez ng mga gawain na tiyak na mag eenjoy tayo.