November 1, 2026 | News by PISD

TINGNAN: As of 2:23PM, dumagsa na ang mga dumadalaw sa San Antonio Public Cemetery sa bayan ng Victoria upang dalawin at alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Nakaantabay naman ang mga pwersa ng 74th Infantry Battalion (74th IB), mga personnel ng Victoria Municipal Police Station (MPS), BFP Victoria at iba pang katuwang na volunteers upang tiyakin ang kaligtasan, kaayusan, at seguridad ng mga dumadalaw sa sementeryo.
Patuloy ang pagbabantay at pagbibigay-serbisyo ng mga awtoridad upang maging ligtas at maayos ang paggunita ng Undas.

