November 1, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Mistulang camping site ang Green Park Memorial Garden sa bayan ng Victoria dahil sa ilang pamilyang maagang nagtungo at nananatili sa sementeryo upang dalawin at alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Patuloy ding nakaantabay ang mga pwersa ng 74th Infantry Battalion (74th IB), Victoria Municipal Police Station (MPS), at Bureau of Fire Protection (BFP) Victoria upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga dumadalaw.
Samantala, may ilang negosyante rin ang nagtayo ng kani-kanilang mga booth sa bukana ng pribadong sementeryo upang mag-alok ng iba’t ibang produkto at serbisyo sa mga bisita.
Patuloy ang pagbabantay ng mga awtoridad at katuwang na tanggapan para sa isang ligtas at maayos na paggunita ng Undas.

