November 1, 2026 | News by PISD

Naging katuwang ng mga awtoridad ang Concepcion Riders Club, Inc. (CRC) sa pagtitiyak ng kaligtasan ng publiko sa paggunita ng Undas ngayong araw.
Boluntaryong nakiisa ang grupo sa pagbabantay ng mga kalsada upang maitiyak ang maayos na daloy ng mga sasakyan at pagtulong sa mga residenteng tumatawid patungo sa mga sementeryo upang dumalaw sa puntod ng kani-kanilang mga mahal sa buhay na yumao.
Isinagawa ito ng grupo sa mga bayan ng Victoria, Socorro at Pola, sa pangunguna ng kanilang CRC Chairman at Founder Jorge C. Gawad, katuwang sina CRC Victoria Main President Alfhee Nuestro at Socorro and Pola Chapter President Libert David.
: Jorge Gawad

