37 scholars ng Pamahalaang Panlalawigan, kinilala ng SP

November 3, 2026 | News by PISD

Kinilala ng 12th Sangguniang Panlalawigan (SP) ang 37 full scholars ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng Provincial Educational Assistance Program (PEAP) sa regular session ngayong araw sa Batasang Panlalawigan.

Pagbati ang ipinaabot ng mga myembro ng SP sa pangunguna ni Vice-Governor at SP Presiding Officer Antonio S. Perez Jr. sa mga bagong scholar gayundin sa kanilang mga magulang na dumalo sa naturang gawain.

Nagmula ang mga bagong iskolar sa 14 na bayan at isang lungsod ng lalawigan. Kabilang sa mga ito ang isang kumukuha ng bachelor’s degree, isang mag-aaral ng kursong agrikultura, at isang kinatawan mula sa pitong tribo ng mga katutubong Mangyan.

Ang naturang programa ay pinangangasiwaan ng Provincial Public Employment Service Office (PPESO) na pinamumunuan ni PPES Officer Antonio Magnaye, Jr.

#thecapitolnews

SOURCE: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0MZnQ9Mt8vqMsrV39swXZsoN6SPW7V1sH4YvaJepUeD7DUmxdJGyZrjCyXREBjPNRl?rdid=PzQx4aLkUIjswcZd#

Scroll to Top