Universal Health Care Program Implementation Review ng OrMin, isinagawa

October 30, 2026 | News by PISD

Isinagawa ang 𝙊𝙧𝙞𝙚𝙣𝙩𝙖𝙡 𝙈𝙞𝙣𝙙𝙤𝙧𝙤 𝙐𝙣𝙞𝙫𝙚𝙧𝙨𝙖𝙡 𝙃𝙚𝙖𝙡𝙩𝙝 𝘾𝙖𝙧𝙚 (𝙐𝙃𝘾) 𝙋𝙧𝙤𝙜𝙧𝙖𝙢 𝙄𝙢𝙥𝙡𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙍𝙚𝙫𝙞𝙚𝙬 upang kilalanin ang husay, dedikasyon, at mahalagang ambag ng mga bumubuo sa healthcare provider network ng lalawigan sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan sa kani-kanilang mga lugar na ginanap sa Tamaraw Beach Resort.

Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO) na pinamumunuan ni Provincial Health Officer II Dr. Cielo Angela A. Ante, ang naturang gawain bilang pagkilala sa mga local health leader, health worker at program implementer na patuloy na naglilingkod para sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan sa Oriental Mindoro.

Sa mensahe ni Vice Governor Antonio S. Perez, Jr., binigyang-diin niya na ang tunay na sukatan ng isang malusog na lalawigan ay hindi lamang sa dami ng serbisyong pangkalusugan kundi sa buhay na naaabot nito at sa bawat mamamayang nararating ng serbisyong ito. Aniya pa, ito rin ay pagkakataon upang ma reaffirm ang commitment ng bawat isa sa patuloy na dedikasyon at pagsisikap na patuloy na mapagsilbihan ang mga Mindoreno sa darating pang mga panahon.

Ayon naman kay Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II, mahalaga ang naturang gawain upang kilalanin ang mga nagawa at kontribusyon ng bawat isa sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan. Gayunman, binigyang-diin niya na higit na mahalaga ang pagtukoy sa iba pang mga hamon at mga kinakailangang hakbang upang patuloy na mapahusay at mapalawak ang serbisyong pangkalusugan sa lalawigan.

Samantala, narito ang mga pinarangalan at tumanggap ng pagkilala bilang 𝗢𝘂𝘁𝘀𝘁𝗮𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗜𝗺𝗽𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿𝘀:

🏆Outstanding Nutrition: Roxas Rural Health Unit

🏆Outstanding Tuberculosis: Pinamalayan Municipal Health Office (MHO)

🏆Outstanding Adolescent Health Program: Victoria MHO

🏆Outstanding Oral Health Program: Roxas Rural Health Unit

🏆Outstanding Vector-Borne Disease Prevention and Control: Gloria MHO

🏆Outstanding National Immunization Program: Roxas Rural Health Unit

🏆Outstanding Measles Rubella Supplemental Immunization Activity: MHO Bulalacao

🏆Outstanding School-based Immunization Program: MHO Pinamalayan

🏆Non-Communicable and Lifestyle-Related Diseases Program: MHO Gloria

🏆Outstanding Rabies Control Program – MHO Victoria

🏆Outstanding Maternal and Neonatal Program: Calapan City Health Office

Narito naman ang mga health facility na nagwagi sa iba’t ibang kategorya:

Naujan Community Hospital

🏆Outstanding Hospital Award

🏆Exemplary Patient Care Award

Oriental Mindoro Southern District Hospital (OMSDH)

🏆Outstanding Public Health Service Award

🏆Best Environmentally Friendly / Green Hospital Award

Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH)

🏆Best Health Information Management Award

🏆Best Performing Public Hospital in Rabies Control Program

🏆Best Performing Public Hospital in Disease Epidemiology and Surveillance

🏆Best in Compliance with PhilHealth Accreditation and standards Award

Maria Estrella General Hospital

🏆Best Performing Private Hospital in Disease Epidemiology and Surveillance

#thecapitolnews

SOURCE: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid026gNHf5gseUPhinK8RQuwdiRJzHr1j7LVhbWsH56bobZLBaXYeP5EdDDp6aufJzJgl?rdid=3NhzjgbypMNLvk0U#

Scroll to Top