November 1, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Maaga pa lamang ay nagsimula nang dumagsa ang mga pamilya sa Evangelista Public Cemetery sa Naujan upang dalawin at alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Nakaantabay sa bungad ng sementeryo ang mga kapulisan at Barangay Health Workers (BHW) ng Barangay Evangelista upang magbigay ng seguridad at agarang tulong sa mga dumadalaw.
Ayon sa kanila, alas-7:00 pa lamang ng umaga ay nakahanda na ang kanilang grupo.
Nakaantabay din ang ambulansya ng Naujan LGU bilang paghahanda sakaling may mangailangan ng agarang serbisyong medikal.
Patuloy ang pagbabantay ng mga awtoridad upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga dumadalaw sa sementeryo ngayong #Undas2026.

