November 1, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Nagbigay ng libreng tinapay, tubig at kandila ang Calapan City Kalap-Sandugo Eagles Club, Inc. sa mga residenteng nagtutungo sa Baco Public Cemetery ngayong araw.
Samantala, mayroon ding libreng palugaw, tinapay at tubig ang Mindoro Supporting Varsitarian Inc. (MINSUVAR) para sa mga bumibisita sa nasabing sementeryo.
As of 9:13 AM, dagsa na ang mga tao dito upang bisitahin ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.
Patuloy naman ang pagbabantay ng mga awtoridad upang maitiyak ang kaligtasan ng publiko at ang maayos na daloy ng mga sasakyan.

