October 29, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Magsisilbing gabay sa maayos at naaayong dokumentasyon ng iba’t ibang mga pangyayari ang ipinagkaloob na Basic Incident Report Writing sa mga security guard ng Pamahalaang Panlalawigan.
Sa pangunguna ni Acting Provincial General Services Officer Atty. Jean Phebie G. De Mesa at Civil Security Unit Officer Catalino P. Batulayan Jr., isinusulong nila ang patuloy na pagkatuto at pagpapahusay ng kasanayan ng kanilang mga empleyado upang higit pang makapagbigay-serbisyo sa publiko.

