October 30, 2026 | News by PISDĀ

Itinanghal na Natatanging Kooperatiba sa Medium Category ng “Gawad Tanglaw ng Kooperatiba 2026” ang Roxas Market Multi-Purpose Cooperative.
Tinanggap nila ang Php85,000.00 matapos maipakita ang kanilang mahusay na pamamahala ng kanilang samahan at natatanging kontribusyon sa komunidad.
Sinundan sila ng Mina de Oro Agrarian Reform Beneficiaries Multi-purpose Cooperative (MAREBEMCO) na nakamit ang Ikalawang Pagkilala at Php60,000.00.
Ikatlong Pagkilala naman ang nakamit ng Bongabong Bansud Gloria Pinamalayan (BBGP) Transport and Multi-Purpose Cooperative na naiuwi ang Php35,000.00.
Iginawad din sa kanila ang plake at Sertipiko ng Pagkilala mula sa Pamahalaang Panlalawigan.
Pinangunahan ang gawain ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO), na pinamumunuan ni PCD Officer Orlando B. Tizon.

