Pamahalaang Panlalawigan, kinilala ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry

October 30, 2026 | News by PISD

Ginawaran ng parangal ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) ang lalawigan ng Oriental Mindoro sa katatapos lamang na Animal Health Congress 2026.

Ito ay matapos ang aktibong pakikilahok at dedikasyong makumpleto ng lalawigan sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office (ProVet) ang mga kinakailangang isumite para sa Avian Influenza Risk-Based Biannual Surveillance Program ng naturang ahensya.

Sa Rehiyong MIMAROPA, ang lalawigan ng Oriental Mindoro lamang ang ginawaran ng nasabing parangal na sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng PGOM na maprotektahan ang industriya ng manukan sa pamamagitan ng maayos na pangangalaga sa mga ito upang maiwasan ang epekto ng Avian Influenza.

Sa ngalan ng Pamahalaang Panlalawigan at ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor, tinanggap ni Acting Provincial Veterinarian Dr. Alfredo Manglicmot ang naturang parangal.

SOURCE: https://www.facebook.com/photo?fbid=1562672142562361&set=a.223668559796066

Scroll to Top