Naujan Merchants Multi-purpose Cooperative, Natatanging Kooperatiba sa Micro-Coop Category

October 30, 2026 | News by PISD 

Nakamit ng Naujan Merchants Multi-Purpose Cooperative (NAMERMPCO) sa Gawad Tanglaw 2026 ang Unang Pagkilala bilang Natatanging Kooperatiba ng Oriental Mindoro 2026 sa kategoryang Micro-Cooperative.

Ipinagkaloob sa kanila ang Php85,000.00 halaga ng insentibo bilang pagkilala sa kanilang husay sa pamamahala ng kanilang samahan at negosyo, sa patuloy na pagpapaunlad ng kakayahan ng kanilang mga kasapi, at sa malaking kontribusyon na kanilang naiambag sa kanilang komunidad.

Sinundan ang nasabing grupo ng Sandugo Multipurpose Cooperative for Christ–Oriental Mindoro (SMPCFCOM) mula sa Lungsod ng Calapan na nakapagkamit ng Ikalawang Pagkilala at Php60,000.00.

Nakuha naman ng Kasagpi Producers Cooperative ng ang Ikatlong Pagkilala sa nasabing kategorya na nakapag-uwi ng Php35,000.00.

Bukod sa mga insentibong kanilang natanggap, ipinagkaloob din sa mga nagwagi ang plake at Sertipiko ng Pagkilala.

#thecapitolnews

SOURCE: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0FkS6fKWKCLtP9bCYYbauXWUkTxJAqc4H982SyTzYsG5d7r4bNPzFfcZ3RoTxFPkXl?rdid=Cbc2qKDl5olBTDnC#

Scroll to Top