October 30, 2026 | News by PISD

Pinarangalan ang mga natatanging indibidwal na kinakitaan ng natatanging husay at dedikasyong paglingkuran ang kanilang kooperatiba sa Gawad Tanglaw ng Kooperatiba 2026 ngayong ika-30 ng Oktubre.
Kaugnay nito, nahirang si Reynaldo A. Malaluan ng Bongabong Coconut Farmers Multi-Purpose Cooperative (BOCOFAMCO) bilang natatanging tagapamahala ng kooperatiba.
Samantala, dalawang indibidwal mula sa Naujan Development Cooperative ang nakakuha ng magkaibang parangal. Kinilala si Raquelita M. Umali bilang natatanging tagapagtaguyod ng kooperatiba samantalang natatanging kasapi ng kooperatiba naman si Virgilio A. Anonuevo.
Nakuha naman ni Socorro M. Torres ng Naujan Multi-Purpose Cooperative (NAMCO) ang parangal bilang natatanging manggagawa ng kooperatiba.
Tumanggap ang lahat ng mga pinarangalan ng tig-Php 30,000.00 na papremyo.

