October 30, 2026 | News by PISD

Binigyang-pugay at pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, sa pamamagitan ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) ang mga natatanging Cooperative Development Office (CDO) sa pamamagitan ng Gawad Tanglaw ng Kooperatiba 2026.
Nakuha ng Baco Cooperative Development Unit (BCDU) ang parangal na Excellence in Cooperative Formation and Registration sa ilalim ng pamumuno ni Mylene Q. Najeto.
Tumanggap ang BCDU ng Php 12,500.00 na papremyo.
Samantala, tatlong (3) magkakahiwalay na parangal ang tinanggap ng Bulalacao Cooperative Development Office sa pangunguna ni Dexter R. Gonzales, kabilang ang Excellence in Enterprise Development, Excellence in Technical Assistance and Capacity Building at Excellence in Linkages and Partnership Development. Dahil dito, tumanggap siya ng papremyong nagkakahalagang Php 37,500.00.
Sa pamamagitan nito, mas mahihikayat ang mga CDO na mas pagbutihin pa ang kanilang pamamahala, pakikipag-ugnayan at kapasidad na pamunuan ang mga kooperatiba sa kani-kanilang mga bayan upang maging mas epektibo at progresibo.

