October 30, 2026 | News by PISDĀ

Nasungkit ng Naujan Multi-Purpose Cooperative (NAMCO) ang Unang Pagkilala sa Gawad Tanglaw ng Kooperatiba 2026 large cooperatives category.
Personal na ipinagkaloob nina Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor, Bise Gobernador Antonio S. Perez Jr. at Provincial Cooperative Development Officer Orlando B. Tizon ang kanilang premyong nagkakahalagang Php 85,000.00.
Samantala, nakamit naman ng Bongabong Coconut Farmers Multi-purpose Cooperative (BOCOFAMCO) ang ikalawang pagkilala na nag-uwi ng Php 60,000.00 na papremyo.
Nasa ikatlong pwesto naman ang Mansalay Fisheries Development Cooperative (MAFDECO) na tumanggap ng Php 35,000.00.
Ang programang ito na taunang isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamamagitan ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) na nakasentro sa mataas na pagpapahalaga at pagkilala sa mga natatanging kooperatiba sa lalawigan na malaki ang ambag sa pag-unlad ng iba’t ibang industriya at maging ng ekonomiya ng lalawigan ng Oriental Mindoro.

