October 31, 2026 | News by PISDĀ

Pormal nang sinimulan ang Iglesia ni Cristo (INC) Unity Games sa Oriental Mindoro, na dinaluhan ng mga manlalaro at delegasyon mula sa walong lokal ng Iglesia ni Cristo sa lalawigan.
Nagsimula ang opening ceremony sa parada ng mga kalahok mula sa Pinagsabangan, Masaging, Naujan, Socorro, Baco, Calapan, Puerto Galera, at Bucayao, bilang hudyat ng pagsisimula ng mga paligsahang pampalakasan.
Layunin ng Unity Games na mabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro na maipakita ang kanilang kakayahan sa sports habang pinahahalagahan ang disiplina, teamwork, at sportsmanship sa bawat laro.
Bukod sa paghaharap ng mga koponan, inaasahang magsisilbi rin bilang pagkakataon ang kumpetisyon upang mapalakas ang ugnayan at pagkakapatiran ng mga miyembro mula sa iba’t ibang lokal.
Sa pagsisimula ng palaro, binigyang-diin ang diwa ng Unity Games na higit sa pagkapanalo, mahalaga ang respeto, pagkakaisa at magandang samahan ng mga kalahok.

