Governos’s Cup: Inter-town Volleyball League, simula na

October 31, 2026 | News by PISD 

Binuksan ngayong araw ang Governor’s Cup: Inter-Town Volleyball League na pinangasiwaan ng Governor’s Office – Special Concerns Division (GO-SCD), sa pangunguna ni Chief Junielo P. Alcuran.

Nilahukan ito ng mga volleyball team mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Oriental Mindoro.

Layunin ng paligsahan na palakasin ang pagkakaisa, sportsmanship, at samahan ng mga atleta sa buong lalawigan.

Nagbigay ng kanyang opening message si Bokal Jam Dolor, na sinundan ng inspirational messages nina Vice Governor Jojo S. Perez Jr. at Governor Humerlito “Bonz” A. Dolor. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng Gobernador ang kahalagahan ng teamwork, respeto sa kapwa manlalaro, at higit sa lahat, ang pag-enjoy sa bawat laro.

Kalahok sa kumpetisyon ang men’s at women’s volleyball teams mula sa Socorro, Naujan, Puerto Galera, Baco, San Teodoro, Calapan City, Victoria, Pinamalayan, Bansud, Bongabong, Roxas, at Mansalay, kasama ang mga SK President mula sa kani-kanilang bayan at lungsod.

Nakiisa rin sa programa sina Bokal Ryan Arago, Baco Mayor Eric Castillo, at Vice Mayor Jay Najito bilang suporta sa mga kalahok at sa nasabing paligsahan.

Tampok din sa opening ceremony ang lighting of the torch, oath of sportsmanship, at ceremonial toss, na sumisimbolo sa pagkakaisa, respeto, at patas na kompetisyon.

Sa pamamagitan ng Governor’s Cup, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ang sports development at mas matibay na samahan ng mga atleta mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng lalawigan.

#thecapitolnews

SOURCE: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02nESCrKegycxnH7tzWZbKTq7m7g4ccWiEPJbFCTMDP1vFPrp8PPpWX7YCJAUe96Z2l?rdid=4zNYSpVnwNCVSWLV#

Scroll to Top