October 30, 2026 | News by PISD

Upang mas mapadali ang paggagawa at pagsusumite ng mga kinakailangang health status report ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Barangay Health Workers (BHW) sa kanilang mga nasasakupan, nasa 31 tablets ang ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO) ngayong ika-30 ng Oktubre.
Pinangunahan ni Gobernador Dolor ang pamamahagi nito katuwang si Provincial Health Officer II Dr. Cielo Angela A. Ante.
Ayon kay Gob. Dolor, malaki ang gampanin ng mga BHW at BNS sa pagsugpo sa malnutrisyon sa lalawigan. Ito aniya, ang sunod na pagtutuunan ng Pamahalaang Panlalawigan upang masigurong malusog ang lahat ng mga bata at mamamayan sa lalawigan.
Samantala, kinilala at pinarangalan naman ni Gob. Dolor ang mga natatanging BHW sa iba’t ibang mga bayan na naging bahagi ng matagumpay na pagdaraos ng 2026 Health Summit.
Isinabay na rin ang pamamahagi ng kanilang premyo sa Indak para sa kalusugan sa katatapos lamang na Health Summit.
Bahagi ang gawaing ito ng patuloy na pagpapahalaga at pagkalinga ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga dakilang katuwang ng lalawigan sa pagtataguyod ng kalusugan sa mga pamayanan.

