October 27, 2026 | News by PISD

Pinagtibay na ng pangkalahatang komite (Committee of the Whole), sa pangunguna ng Committee on Planning and Budgeting ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ang panukalang ₱3.75 bilyong Annual Budget at ₱5.62 bilyong Annual Investment Program (AIP) ng Pamahalaang Panlalawigan para sa taong 2027.
Ito ay matapos ang ikalawang araw ng pagdinig sa Batasang Panlalawigan ngayong araw.
Pinangunahan ni SP Committee on Planning and Budgeting Chairperson Board Member Ryan Z. Arago ang pagtalakay sa panukalang budget at AIP ng iba’t ibang tanggapan sa Kapitolyo na inilahad ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor, kasama ang mga department head, sa pangunguna ni Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II.
Kasunod nito, isasalang naman ito sa plenaryo ng sesyon ng SP para sa pag-apruba.
Kabilang din sa mga dumalo sina Vice Governor at SP Presiding Officer Antonio S. Perez, Jr. at mga Bokal na sina Anthony L. Yap, Atty. Farah Fay Ilano Navarro, Alely Casubuan Tan, Ronalee E. Leachon, Voltaire B. Brucal, Atty. Jomarc Philip Dimapilis, Atty. Roland Ruga, at Jean Paulo Umali.
Nakiisa rin sa pagdinig sina IPMR Bokal Lagtum A. Pasag, at SP Ex-officio members PCL President Francis Marion Marcos, ABC President Ralph Recto, at SK Provincial Federation President Jam Dolor.

