October 26, 2026 | News by PISD

Matapos ang matagumpay na pagkakapanalo ng Zero Illiteracy and Innumeracy Program (ZIIP) sa Galing Pook Awards 2026, kinilala at pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro (PGOM) ngayong ika-26 ng Oktubre, ang ZIIP Technical Working Group (TWG), mga katuwang na ahensya ng pamahalaan at iba pang mga stakeholder na bahagi ng tagumpay na ito.
Layunin ng gawaing ito na bigyang-pugay at pahalagahan ang mga ahensya ng pamahalaan at iba pang mga katuwang sa pagpapatupad ng programa.
Pinangunahan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor ang paggawad ng parangal katuwang si Provincial Public Employment Service Officer Antonio Magnaye Jr.
Kabilang sa mga pinarangalan sina Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Director Naomi Lyn C. Abellana at DOLE Provincial Director Atty. Roderick F. Tamacay, National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Regional Director Jeomar M. Samong, OIC-Provincial Officer Richard M. Quevedo, DepEd Schools Division of Oriental Mindoro sa pangunguna ni Oriental Mindoro Schools Division Superintendent (SDS) Dr. Maria Luisa D. Servando na kinatawan ni Education Program Supervisor Dindo M. Generato, dating Assistant SDS ng DepEd Calapan City Cynthia Eleonor G. Manalo, Oriental Mindoro Education Program Supervisor (EPS) Clemente E. Politico, Kasarian, Kalayaan, Inc. Chaiperson Dr. Benjamina Abueg-Pereyra, Pamayanang Mangyan Ugnayan Inc. Executive Director Juvelyn V. Gumal-in, Mangyan Mission at PESO Managers’ Association of Oriental Mindoro, Inc. (PMAOMI).
Gayundin, kinilala ang malaking ambag nina Bokal Lagtum A. Pasag, dating Bokal at Special Assistant to Indigenous Peoples Development Ahop R. Agate, ZIIP Program Manager Myrna Jimenez, mga kasapi ng ZIIP TWG at iba pang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, mga community educator at ilang ZIIP learners.
Ngayong marunong nang bumasa, sumulat at magbilang ang karamihan sa mga katutubo, sunod na pagsusumikapang matugunan ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan sa mga katutubong pamayanan at pagsasaayos ng mga kalsada sa mga kalibliban upang madaling marating ng mga sasakyan. Ito ay magkatuwang na itataguyod ng Provincial Health Office (PHO) at Provincial Engineering Office (PEO).
Bukod dito, naglaan na ng Php 10M inisyal na pondo ang Pamahalaang Panlalawigan para sa pagpapatitulo ng mga ancestral domain sa lalawigan katuwang ang NCIP.
Dahil sa sama-samang pagsisikap at aktibong pakikilahok at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor, mas naging matatag ang bawat isa at matagumpay na naisakatuparan ang layunin ng programa, ang matulungang maiangat ang antas ng kaalaman ng mga katutubo sa lalawigan.

