Puerto Galera Mangrove Conservation and Ecotourism Area, itinanghal na Best Locally Managed Marine Protected Area sa OrMin

October 23, 2026 | News by PISD

Itinanghal ang Puerto Galera Mangrove Conservation and Ecotourism Area bilang Best Locally Managed Marine Protected Area sa 2026 Star MPA Awards.

Nakamit nito ang ₱100,000.00 halaga ng proyekto, kasama ang Sertipiko ng Pagkilala at plake.

Pumangalawa naman ang Banilad-Simborio Fish Sanctuary ng Pinamalayan na nag-uwi ng ₱80,000.00 halaga ng proyekto, na sinundan sa ikatlong pwesto ng Balatasan Fish Sanctuary ng Bulalacao na may ₱70,000,00 halaga ng proyekto.

Kabilang din sa nanguna ang Pili Fish Sanctuary ng Pinamalayan sa ikaapat na puwesto na may ₱60,000; Sta. Theresa Fish Sanctuary ng Gloria sa ikalimang pwesto na may ₱50,000; Baco Marine Protected Area sa ikaanim na may ₱45,000; at Song of the Sea Fish Sanctuary ng Pola sa ikapito na may ₱40,000 cash prize.

Samantala, ikawalo naman ang Stella Mariz Fish Sanctuary ng Calima, Pola na may ₱35,000; ikasiyam ang Paclasan Fish Sanctuary ng Roxas na may ₱30,000; at ikasampu ang San Isidro Labrador Fish Sanctuary ng Pola na may ₱25,000 cash prize.

Abangan ang buong detalye ng balita.

SOURCE: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0331WdKGmrb34X9WdsAfzFJTX8uNtqFdRYE8HXmrDRDBWjw7aUQMuuY82D9o5Ew8A6l?rdid=nA3hx0Z22iXAWWCe#

Scroll to Top