October 23, 2026 | News by PISDĀ

TINGNAN: Bilang bahagi ng 2026 Star MPA Awards, binigyang-pagkilala ang Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Councils (MFARMCs) ng Pinamalayan, Mansalay, at Roxas para sa kanilang natatanging suporta sa patuloy na pagsusulong ng responsableng paggamit ng yamang-dagat sa kani-kanilang mga bayan.
Nagkamit din ang mga nasabing konseho ng ikaapat na antas ng kaunlaran na simbolo ng kanilang dedikasyon sa patuloy na pagpapalakas ng lokal na pamamahala sa sektor ng pangisdaan tungo sa mas likas-kayang kabuhayan.

