Gov. Bonz, nakipagdayalogo sa mga mamamayan ng Bulalacao, Mansalay at Roxas

October 25, 2026 | News by PISD

Kasama si FL Hiyas Govinda Ramos Dolor, nakipagdayalogo si Governor Humerlito “Bonz” Dolor sa mga mamamayan ng Bulalacao, Mansalay, at Roxas ngayong Linggo, Oktubre 25, upang pakinggan ang kanilang mga hinaing at alamin ang mga pangunahing pangangailangan ng mga ito.

Sa kabila ng araw na nakalaan sana para sa kanyang buong pamilya, naglaan pa rin ng oras ang Gobernador upang makipag-ugnayan sa mga mamamayan at pakinggan ang kanilang mga saloobin.

Mahalaga ang ganitong uri ng ugnayan sa pagitan ng mga opisyal ng pamahalaan at mga mamamayan upang higit na maunawaan ang mga pangangailangan ng bawat pamayanan.

Komitment ng Punong Ehekutibo na maaalalayan ang mga mamamayan lalo na sa Educational Assistance ng kani-kanilang mga anak.

#thecapitolnews

Abangan ang opisyal na mga larawan.

SOURCE: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02tXMkkGc37yMNmb9Jn1dc9ZDecBg5gCmVpE6LmC7uRXvpt4FvNMvBZNmmuDuzCDSl?rdid=op6HmmeSAwqklcWF#

Scroll to Top