October 15, 2026 | News by PISD

Kinilala ng MIMAROPA Regional Nutrition Council ang lalawigan ng Oriental Mindoro bilang LGU with Sustained Reduction of Prevalence of Stunting (Malnutrition) mula noong taong 2024 hanggang taong kasalukuyan.
Bunga ito ng sama-samang pagkilos, pagsusumikap at pakikiisa ng lahat ng katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagsusulong ng mga programa at serbisyong naglalayong mapabuti ang nutrisyon at kalusugan ng mga bata sa lalawigan.
Muli, pagbati sa lahat ng tagapagtaguyod ng kalusugan ng ating mga mamamayan sa pangunguna ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor na siya ring Chairperson ng Provincial Nutrition Council (PNC), Provincial Health Officer II Dr. Cielo Angela A. Ante, Bise Gobernador Atty. Antonio S. Perez Jr., Municipal Nutrition Action Officers (MNAO), Municipal Health Officers (MHOs), Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Barangay Health Workers (BHWs).
Higit pa nating pagsumikapang mapalakas ang mga programang pangnutrisyon tungo sa isang mas malusog at masiglang Oriental Mindoro.
Photo credits: PHO Dr. Cielo Angela Ante

